Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang programa, nahingan ng opinyon ang founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy tungkol sa sigalot na namamagitan kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao.
Inakusahan kasi ni Pacman na ang gobyerno ni Digong na mas corrupt pa kesa sa nakaraang administrasyon.
Inalmahan naman ito ng punong ehekutibo at hinamon ang boxing icon na pangalanan kung sino at anong ahensiya sa gobyerno niya ang corrupt.
May banta pa si Digong na kung hindi ito mapapatunayan ni Manny ay ikakampanya niyang huwag manalo ito sa susunod na eleksyon kung sakaling may presidential ambition ito.
Sa hamon naman ni PRRD, tinanggap ito ni Manny at sinabing unang imbestigahan ang corruption umano sa DOH sa pamumuno ni Duque.
Kinukuwestiyon din niya kung saan napunta ang trilyong perang inutang ng gobyerno para sa pandemya.
Sa kaso naman ni Quiboloy, tinawag niya na traydor si Manny Pacquiao.
Bilang lider ng PDP-Laban, ang political party ni PRRD, hindi raw nito dapat kinalaban ang presidente lalo pa’t itinuring siyang kaalyado ng pangulo.
Puwede raw niya itong gawin kung nag-resign na siya sa partido kaya lumalabas na traydor ito.
Talking of corruption, kinuwestiyon din ni Quiboloy ang pag-graduate ni Pacquiao noong 2019 ng kursong Bachelor of Arts in Political Science sa loob lamang ng tatlong buwan sa University of Makati.
Aniya, tila maanomalya ito dahil ang mga kumukuha ng bachelor degrees ay apat o limang taon ang binubuno bago maka-graduate.
As of this writing, muli na namang binanatan ni Digong ang Pambansang Kamao sa isang panayam.
“You know, when you are a champion in boxing, it doesn’t mean to say you are a champion in politics,” ani Duterte.
Pinuna rin nito ang kawalan ng kakayahan nito sa kanyang puwesto.
“He’s blabbering his mouth, tapos na. I am waiting for his word, for the next department that he will choose to investigate,” dugtong ni Duterte.