Rozz Daniels ire-release na ang 1st single na ‘Alay Sa ‘Yo’ sa Viva Records na kinompos ni Ivy Violan
Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
MASAYA ang tinaguriang Soft Rock Diva ng Wisconsin, USA na si Rozz Daniels dahil natapos na niya ang kanyang unang single na pinamagatang Alay Sa ‘Yo na kinompos ng OPM Icon na si Ms. Ivy Violan at ire-release under Viva Records.
Tsika ni Rozz, nahirapan daw siya sa pagre-record ng nasabing kanta dahil aminado siyang hirap na sa pagbigkas at pagsasalita ng Tagalog sa ilang taong paninirahan sa Amerika.
“Ilang beses pinaulit-ulit sakin ni Ms. Ivy ang pagpraktis sa Alay Sa ‘Yo dahil nai-slang ako. Sa loob pa ko ng closet nagkukulong para kumanta hanggang sa umokey na ang composer ko,” sabi ni Rozz.
Sa tulong ni Ivy ay ipapasa na nila ang 1st single ni Rozz sa Viva Records na mamamahala sa distribution nito.
Siyempre, tutukan ang mga aktibidad ni Rozz sa pagpo-promote ng Alay Sa ‘Yo sa iba’t ibang digital platform.
Gayundin, nag-guest kamakailan si Rozz sa KUMU stream ni Direk Cathy Garcia-Molina at bumuo sila ng proyekto na sa kasalukuyan ay hindi pa puwedeng banggitin pero malaking plano ito kaya dapat abangan ng lahat ng nagmamahal at tagasuporta ni Rozz.
At siyempre, tuluy-tuloy pa rin ang KUMU stream na The Rocks and Rozz Show ng nasabing singer tuwing Sabado, 10 ng umaga (Biyernes, 9 ng gabi sa Tate) kasama ang co-singers & hosts na sina Ms. Irelyn Arana, Jerome Sangalang, Harold Evangelista, Derf Dwayne, Analyn Torregosa at ang inyong lingkod.
Nakatakda pa rin ang pagsasagawa ng show sa Amerika ni Rozz sa taong ito kasama sina Irelyn at Olivia Trinq at ngayon pa lang ay marami nang nag-aabang dito.
At ‘pag natapos na ang pandemya ay balak din ni Rozz na bumalik ng Pinas para sa promo ng kanyang single at makasama sa stage para sa concert/show ang mga kasama sa The Rocks and Rozz Show.