Advertisers

Advertisers

“Beshie Alert” ni Rams David nasa Youtube na, Alagang si Ken Chan 1st celeb guest; “Lahi Ni Mang Kanor” ni Direk Reyno Oposa binubuo na ang casting, shooting sa Dec. na

0 268

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

NAKATUTUWA  naman na back in showbiz na ang manager at nanay-nanayan nina Marian Rivera at Maine Mendoza at iba pa na si Sir Rams David.

After ng ilang months na pamamahinga ay active na u-li si Sir Rams na ang “Beshie Alert” na napapanood sa kanyang Facebook Official account, ngayon ay nasa Youtube na. Ang alagang Kapuso actor na si Ken Chan na malapit nang mapanood sa bagong teleserye sa GMA na “Ang Dalawang Ikaw” ang first guest ni Sir Rams sa kanyang pilot episode na mapapanood na sa Vlog o talk show na “Beshie Alert” at isa sa napag-usapan dito ay ang sampung taon na sa showbiz ni Ken.



Kitang-kita ‘yung closeness ni Ken sa manager niyang ito na labis niyang pinasasalamatan dahil after late Kuya Germs ay si Sir Rams na ang nag-handle ng kanyang career.

Ang Beshie Alert ay produced ng Artist Circle ni Sir Rams na may mga hinahawakan na ring celebrities. So kung gusto mong mag-enjoy at hanap mo ay bagong talk show na very entertaining ay mag beshie alert ka na, and please subscribe, like, share and comment.



***

NAKA-chat namin recently ang love naming director-film producer and now actor na si Reyno Oposa na busy these days sa pagbuo ng casting ng unang pagbibidahang pelikula na “Lahi Ni Mang Kanor” na baka kunin ni Direk Reyno ang serbisyo ng dating Seiko sexy star na si Natasha Ledesma.



Gandang-ganda si Direk Reyno kay Natasha na unfading daw ang beauty. Well, totoo ang sinabi ni Direk dahil hanggang ngayon ay pretty at sexy pa rin si Nata (tawag namin sa actress).

Ayon pa kay Direk Reyno ay may location na sila at sa Tondo,  Manila sila magso-shooting at bago mag-Christmas ay start na sila mag-shoot katuwang ang ilan sa mga house co-directors sa Ros Film Productions na sina Direk Buboy Pioquinto at Direk Jessamine Maranan.

Happy si Direk Reyno at magaganda ang reviews sa mga project niya like “TARAS” na patuloy na marami ang pumupuri. Makakaasa raw ang viewers nila and hopefully ng moviegoers na mas magaganda at dekalidad ang mga gagawin nilang movies this year and sa mga susunod pang mga taon.

Yes, hindi raw mawawala ang Ros Film Production na kahit independent outfit lang sila ay napapansin na ng critics at Cinemalaya.

***

3AJ Band Ni Allan Aquino Ng Colorado, USA Nabuo Kasama Ang Mga Barkada Sina Janice, Ann, At Johans

Aside sa magandang position bilang Senior Quality Manager sa malaking medical company sa Amerika na Medtronic ay may banda rin ang hubby ng aming good friend na si Ms. Mel Aquino na si Sir Allan Aquino na “3AJ Band” na binubuo ng apat na miyembro sa pangunguna ng lead singer nito na si Janice Soderbloom, Allan Aquino (drummer), Ann Cronch (lead guitar) at kanilang bass guitarist na si Johans Bautista. Dahil pawang busy sa kani-kanilang mga trabaho ay hindi regular ang gigs ng 3AJ Band pero kilala na sila sa Colorado. At ang maganda ay mapapanood ang nasabing banda sa official Youtube channel ni Allan Aquino at lahat ng upload nilang gigs here ay siguradong magugustuhan niyo dahil mga old and new hits ang kanilang mga kinakanta.

Kung fans kayo ng Aegis ay mapapanood niyo ang version ni Janice ng “Halik” at “Luha” at ang hindi pinagsasawaang “Kiss Me, Kiss Me.” Samantala, bilang wife ni Sir Allan ay very supportive ang Bff naming si Ms. Mel sa mister niyang ito na very proud siya kasi hindi lang sweet kundi mapagmahal talaga sa kanilang children na sina Anne, Andre, and Adrian. “Happy ako tuwing napapanood ko ang husband ko na tumutugtog with his co-band members. Ang sarap nilang panoorin at ang gagaling nilang lahat,” say pa ni Ms. Mel nang aming maka-chikahan through messenger.