Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MAY bagong milestone na naman ang gustong idagdag sa kanyang mga naging achievements ang dating Miss Universe na si Catriona Gray. After maging host sa defunct Sunday Noontime Variety show ng TV 5, ang “Sunday Noontime Live” ay sa recording naman sumabak ang beauty queen.
Ngayon ay nais naman ni Catriona sa sumabak sa pagiging akres.
Tsikang naging malaking impluwensiya kay Catriona na pasukin ang acting dahil sa boypren niyang si Sam Milby na isa ring aktor. Just in case na papiliin si Catriona kung sino ang gusto niyang maging first leading man sa kauna-unahang acting project na gagawin, pipiliin kaya niya na ang boypren maging ka-loveteam?
“Yeah, I would be open to it. But I guess we really enjoy keeping our relationship private. So it’s not that we’re opposed to working together, I guess it’s that it would be different, di ba? Parang it’s either marketing your relationship with a project, or keeping it for yourselves. So ‘yun lang,” say ni Catriona.
Pagdating naman sa packaging sa kanyang career image, feel kaya ni Catriona malinya bilang isang dramatic actress o comedian?
“I would love to be given the opportunity to have an action movie because I have a black belt in karate from when I was younger. And I would love the opportunity to like have a fight scene or something. So I guess that would be something I’d be super open to.
“In regard to working with different people, honestly I would not be picky whatsoever because I feel like it would be a learning experience either way, and that is what I would need as a newcomer into that type of field,” dagdag na say pa ni Catriona.
***
- D HINILING SA GMA NA MAKASAMA SA TRABAHO SI ALDEN RICHARDS
DAHIL na rin sa kagandahang ugali at marunong makisama sa kanyang mga kapwa artista, no wonder na isa si Alden Richards sa maraming papuring tinatanggap mula sa kanyang mga kasamahan sa industriya, maging baguhan man o beterano na sa industriya.
As in, hindi nilamon ang bidang lalake sa bagong teleserye ng Kapuso Network na “The World Between Us” kasama sina Tom/Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith, ng kasikatan na tinatamasa sa ngayon.
Maging ang kasamahan nila sa naturang serye na si Dina Bonnevie ay hindi naitago ang paghanga sa kabutihang ugali ni Alden at kasama na rin dito ang kaguapuhan ng aktor. Kwento ni Dina, first time raw niyang nakita ang aktor sa building ng GMA 7.
“I remember one time, pumunta ako ng GMA to promote Waray Biday. Hindi ko pa kilala si Alden noon and then he just came by, nagkita kami sa corridor sabi niya, ‘Hello po, Alden Richards po.’ Then, for a while I was stunned. Parang, ‘Sino ’yon? Ang gwapo at saka ang cute ng dimples n’ya.’ Sabi ko, ‘Ang galang.’
Hiningi ko talaga to work with Alden kasi I’ve been watching him a long time na sabi ko, ‘Okey itong guy na ito. I wanna work with him,” say ni Dina.