Advertisers

Advertisers

Motornapper timbog sa pagbebenta online ng mga nakaw na motorsiklo

0 328

Advertisers

Bulacan – Arestado ang isang noturyos na motornapper nang mag-post sa social media ng mga ibinibentang nakaw na motorsiklo sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kinilala ang naaresto na si Marvin Cerdeña, 30 anyos, ng Barangay Gaya-Gaya, SJDM; habang ang biktima ay kinilalang si Mario Deterala Jr., 38, ng Bgy.Tungkong Mangga.

Sa report ng SJDM Police, nangyari ang insidente 9:00 ng gabi, July 9, habang nagwi-withdraw ang biktima sa isang ATM machine sa Bgy. Tungkong Mangga nang tangayin ni Cerdena ang kanyang motorsiklong Yamaha Mio Aerox na nakasuksok pa ang susi.



Ayon sa ulat, nakita agad ng biktima sa Facebook post ni Cerdena na ibinebenta ang kanyang motorsiklo kaya agad nilang pinuntahan ang lugar at nakita niya ang kanyang motor lulan ang motornapper. Sinundan nila ng mga kasamahang rider ang suspek at nang matunton ang bahay ay agad silang humingi ng tulong sa pulisya at nahuli ang suspek.

Nakuha rin sa bahay ni Cerdena ang samu’t saring mga motorsiklo na walang kaukulang dokumento at pinaniniwalaang nakaw.

Sinasabing sangkot si Cerdena sa malawakang nakawan ng motorsiklo sa Metro Manila.

Aminado si Cerdena sa pagnanakaw ng mga motorsiklo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">