Advertisers

Advertisers

‘Boy Ahas’ nakipaghalikan sa cobra, tinuklaw sa dila, tigok

0 314

Advertisers

PANGASINAN – Ang ahas ay ahas. Kahit ito’y iyong aalagaan, tiyak tutuklawin ka parin.

Ito ang nangyari kay Bernardo Alvarez, 61 anyos, ang taong tinaguriang “Boy Ahas” dahil sa pagiging malapit nito sa mga ahas.

Sa kanyang pagpasiklab, nakipaghalikan si Alvarez sa isang makamandag na cobra matapos itong makalaklak ng alak. Ngunit bigla kinagat ng ahas ang kanyang dila. Resulta: Bumula ang bibig ni Boy Ahas at ito’y binawian ng buhay habang dinadala sa pagamutan.



Nangyari ito sa Barangay Lanas, Mangaldan, Pangasinan, kamakailan.

Kilala si Alvarez sa kanilang bayan na nanghuhuli at nakapagpapaamo ng ahas kaya tinagurian siyang “Boy Ahas”. (Rey Velasco)