Advertisers

Advertisers

Ivana wish maging international model

0 462

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang latest vlog at episode na “Mermaid for a Day,” marami ang natuwa sa kulitan nina  Ivana Alawi at ng kanyang ina at mga kapatid.

May pasabog kasing pa-mermaid costume ang sexy Youtuber na ala-Dyesebel.



Ani Ivana, fan daw talaga siya noon pa man ng mga pelikula at teleserye tungkol sa mga sirena tulad ng Marina at Dyesebel, kaya happy siya na nagkaroon ng katuparan ang kanyang dream na lumabas bilang mermaid kahit man lang sa kanyang vlog.

Sey naman ng iba, ang green mermaid tail daw nito na may purplish top ay inspired sa character ni Ariel sa Disney animation film na “The Little Mermaid.”



Pero kung mayroon mang pinapangarap ang sexy actress, ito ay ang maging international model.

Kaya naman nang mapili siyang calendar girl ng Tanduay, sobra ang kanyang naging excitement.



“Malaking karangalan para sa akin na ako ang napili nilang calendar girl. Proud ako na i-represent ang isang brand na hindi lang Pinoy-made kundi kilala sa buong mundo,” ani Ivana.

Sa loob ng apat na taon, ang Tanduay ay itinanghal na ‘world’s number 1 rum’ sa buong mundo ayon sa Drinks International Magazine, kaya naman doble ang kanyang naging kasiyahan.

“It’s a celebration for us, Pinoys. Pruweba lang na kapag gawang Pinoy, kaya nating makipagsabayan saan mang panig ng mundo. Malaki man ang pressure sa akin ngayon because I am representing the brand, masasabi kong swak at world-class ang produkto na kahit sa ädult followers ko ay puwede kong irekomenda,” paliwanag niya.

Sa kabila ng pandemya, maituturing ding ‘lucky charm’ ng Tanduay ang social media influencer dahil nahigitan nito ang target nito noong 2020.

“Tibay ng loob, tibay Tanduay, sabi nga nila,” sey ni Ivana.“Sa panahong ito, masasabi kong  masuwerte dahil pinagkatiwalaan nila ako ng kanilang brand na mataas ang standard sa kanilang calendar girls. Ang wish ko lang ay makapag-ambag pa ako para sa success ng mga produkto,”pahabol niya.

Dagdag pa niya, nagbukas din daw ng ibang oportunidad sa kanya ang pagiging Tanduay calendar girl.

“Ang daming nangyari mula nang maging calendar girl ako. Now, I am looking forward na magkaroon ng international collaborations since Tanduay is a global brand na hindi naman imposibleng mangyari,” bulalas niya.

Bilang Tanduay girl, may mensahe rin siya sa kanyang followers.

“Pinadapa man tayo ng pandemya, kaya naman nating bumangon kung magtutulungan tayo.

Anumang pagsubok kaya nating lagpasan, kung magpapakatatag lang tayo at magtiwala sa Diyos,” pagtatapos niya.