Advertisers

Advertisers

Covid update: 4,478 bagong kaso; 6,149 gumaling; 84 nasawi

0 358

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health ng 4,478 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Hulyo 28.

Samantala ay mayroon namang naitalang 6,149 na gumaling at 84 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.5% (54,552) ang aktibong kaso, 94.8% (1,484,714) na ang gumaling, at 1.75% (27,401) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 26, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden/Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">