Advertisers

Advertisers

KARAHASAN NG NPA MATATAPOS SA 2022

0 240

Advertisers

PANATAG ang pamahalaan na sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay matatapos nito ang paghahari-harian ng armadong grupo na New People’s Army (NPA) sa susunod na taon, pagtatapos din ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NTF-ELCAC Vice Chairman, Secretary Hermogenes Esperon Jr., na panauhin sa Kapihan sa Ilocos nitong Martes (July 27,2021), ang utos ni Pangulong Duterte na na tapusin na ang panggugulo ng teroristang-komunista ay makakamit ng Task Force base narin sa dami ng “pagod” na mandirigmang NPA na nagsisisuko na.

“Self-imposed namin iyan at si Pangulo, dahil siya ang Chairman ng NTF-ELCAC. He wants to finish the NPA by July 2022. Sa estimate ko lang from the current strength of about 3,500 palagay ko baba na iyan. Mabilis ang pagbaba niyan dahil ang dami nang nagsu-surrender. So, kung ito’y bababa ng halimbawa ng 2,000 nationwide, magiging law and order nalang ito. Ibig sabihin primarily pulis nalang ang hahawak sa kanila at local goverment,” pahayag ni Esperon.



Dagdag pa niya, ang NTF-ELCAC ay tumatalima sa panahong iniatas ni Pangulong Duterte para tapusin ang kanilang misyon, subalit alam nilang mayroon paring mga taga-suporta at mga isyu na dapat ay matugunan ng susunod na administrasyon.

“Paspasan ito marami nang mabubuwag, madami na ang magsu-surrender,” sabi ni Esperon na siya ring National Security Adviser.



Ito rin ang kanyang sinabi nang maging panauhin siya sa programang Laban Para sa Bayan ng istasyong SMNI, na gaya ng pananaw ng Pangulong Duterte, ang insureksiyon ay masosulusyunan ng “whole-of-nation approach” o sama-samang pagkilos ‘di lamang ng militar.

Sa SONA, sinabi ni Pangulong Duterte na ang kapayapaan ay di lamang alalahanin ng militar, kaya ipinihit niya ang tradisyunal na pagmamalasakit sa seguridad ng bansa ‘di lamang sa militar kundi sa lahat ng Filipino at nilikha ang NTF-ELCAC. Naniniwala rin ang Pangulo na malaki na ang nagawa ng kanyang administrasyon sa pagsugpo ng ugat at tulungngan ang ating mga kababayan sa kanayunan na sinamantala ng komunistang-terorista sa mahabang panahon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">