Advertisers
NAGA CITY – Tinatayang nasa P55,000 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa buybust operation sa isang babae sa Purok 4, Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon.
Kinilala ang nadakip na si Hazel Castillo, 24 anyos, residente ng nasabing barangay.
Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, narekober kay Castillo ang 4 transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 2.73 at nagkakahalaga ng P55,692.