Advertisers
PATAY ang isang Chinese national nang tambangan sa Malate, Maynila nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Naiqian Yuan, 34, negosyante, nakatira sa 76 Jerico St, Multinational Village, Parañaque City.
Sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang kulay blue na Subaru na may conduction sticker na HW 1708 nang pagbabarilin ng mga ‘di pa nakilalang salarin.
Base sa kuha ng CCTV, makikita na nakahinto ang mga sasakyan sa may kanto ng M.H. Del Pilar Street at Aldecoa. Marami ring tao ang naglalakad sa paligid. Halos natakpan sa kanan ng isang jeep ang blue na kotse ng biktima. Makikita sa di kalayuan ang isang motorsiklo na may 3 sakay, bumaba ang angkas at naglakad papunta sa blue na kotse.
Maya-maya, makikita na umabante ang kotse at bumangga sa taxi sa harapan, habang tumakbo palayo ang isang lalaki.
Pitong basyo ng bala na maaaring mula umano sa kalibre .45 baril ang nakuha sa crime scene.
Base sa driver’s license ng biktima na ‘di muna pinangalanan, ito’y 34 anyos, Chinese at may address sa Parañaque City.
Ayon sa Manila Police District, inaalam pa nila ang sanhi at motibo sa pamamaril at kung ano ang background ng dayuhan.
Nagpapatuloy pa ang backtracking operation para matunton ang gunman at mga kasabwat nito.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)