Advertisers

Advertisers

Carla naranasang mahiwalay kay Tom nang matagal; Maui keri pa ring sumabay sa hubaran

0 265

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

BALIK na muli sa lock-in taping ang buong cast ng “To Have And To Hold” na pinagsasamahan muli nina Rhian Ramos at Carla Abellana with their leading man na si Rocco Nacino. Pangalawang beses na ito ni Carla na mag-lock-in tapings para sa naturang teleserye.

Pero dahil sa mas matindi ang health protocol ngayon ay kinakailangan pa ng buong cast na magpa-quarantine ng halos dalawang linggo bago pumasok sa set ng lock-in taping.



Kahit sanay nang mawalay sa kanyang mga aso, hindi itinatatwa ni Carla na bilang isang fur mommy ay mas dumoble ang kanyang lungkot nang muling iwan ang kanyang mga alagang aso.

“I missed my doggies. I’m so near yet so far. My house is literally just a few streets away. That’s why when we are here in this hotel for quarantine and I always look out the window because I missed them so much and I know they are so near. I know they are okay, but of course know that they are sad that I’m gone. I know that they are wondering why pagbalik ng kotse sa bahay wala ako sa loob, hindi ako nakasakay,” say ni Carla.



Tsikang malamang daw sa paglabas ni Carla mula sa pangalawang lock-in taping nila ay kasal na nila ni Tom Rodriguez ang mangyayari.

“This is going to be the longest I will be away from my family, my loved ones, and my dogs. Given na yan that this is the longest Tom  and I have been apart for months. Nakakatawa lang because he’s actually arriving back home, and  the day before he gets back ako naman itong umalis ng bahay for lock-in,” dagdag pang say ni Carla.



***

LITERAL na agad  hinubaran si Maui Taylor sa kanyang bagong movie kasama si Janno Gibbs at ang baguhan na si Rose Van Ginkel, ang “69+1”, isang sexy comedy movie sa direksyon ni direk Darryl Yap.

Kung matatandaan, isa si Maui sa member ng Viva Hot Babes na kilala na ang halos lahat ng mga member nito ay palaban sa hubaran. Maging si Maui man ay walang takot na lumaban nang sabayan. Kaya sa latest movie niya na lesbiyana ang kanyang role at may ka-love scene na babae rin ay marami agad netizens ang nagkomento na malamang ay hubaran at kalaswaan lang ang movie na ito ni Maui.

Lalo na bukod pa sa maiinit na love scene niya sa kapwa babae ay mga diretsahang salita na may kaugnayan sa sex, ang namutawi sa kanyang bibig.

Say naman ni Maui, hindi raw sapat na batayan ang kanilang maikling trailer ng movie na nakuha agad ng milyones na views sa loob lang halos ng ilang oras na mai-post ito.

Sey pa ng sexy actress, ‘wag naman daw agad husgahan ang kanyang mga ginawa sa latest movie kahit hindi pa nila ito napapanood nang buo.

“Honestly, kahit ano namang pelikula ang lumabas at feeling nila ay ganu’n ang tema ’yon at ’yon lang din naman ang sasabihin nila, e. Kumbaga, they’ll always have an opinion on how these movies are done,” ani Maui.

Magkagayunpaman ay tulad ng dati, kibit balikat na lang si Maui sa paniniwala ng iba hinggil sa movie niyang “69+1”.

“They’re free to judge, they’re free to say whatever it is that they want to say. Pero ’yong sa akin, sana panoorin muna nila ’yong pelikula bago sila magbato ng kung anu-ano,” dagdag pang say ni Maui.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei App Gallery.  Watch all you can on Vivamax for only P149/month and P399 for 3 months for bigger savings. You can also unli-watch for 3 days for only P29.

In Asia, Vivamax is available in Singapore, Hongkong, Malaysia, and Japan; in the Middle East, it’s already available in the UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar; while in Europe, subscription is only 8 GBP/month.