Advertisers

Advertisers

Sinitang tanod buking na ‘adik’

0 261

Advertisers

NABUKING ang pagiging durugista ng isang barangay tanod nang makuhanan ng shabu matapos baliwalain ang mga pulis sa Border Control Point bunsod ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Valenzuela City.

Kinilala ang naaresto na si Leonardo Roldan, 40 anyos, barangay tanod.

Sa ulat, 10:30 ng umaga ng Agosto 14 nang matiklo sa Valenzuela City si Javier.



Ayon sa report, pinara ni PSMs Roberto Santillan sa Border Control Point si Roldan na nagbibisikleta galing Obando, Bulacan para sa beripikasyon.

Nang hanapan ng quarantine pass at iba pang dokumento para sa paglabas ng bahay ang tanod, binalewala nito ang pulis at nagtangka pang tumakas ngunit nabigo.



At nang siyasatin ng mga pulis ang mga gamit nito nakuha sa pag-iingat ni Roldan ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P680 at barangay identification card kaya’t idiniretso na ito sa presinto habang kinumpiska naman ang kanyang bisikleta.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">