Advertisers
KAKASUHAN ng ‘vaccine fraud’ ang dalawang lalaki nang magpaturok ng ikatlong Covid-19 vaccine sa Quezon City.
Nalaman ito nang mag-post sa facebook ang unang lalaki na tatlong beses siyang nagpaturok ng Covid-19 vaccine.
Base sa kanyang mga post, ang unang dalawang doses niya ay Sinovac na itinurok sa kanya sa Mandaluyong. Ang pangatlong shot nito ay Moderna na ibinakuna sa Quezon City.
Ang isang lalaki naman ay nag-post din sa kanyang Facebook na tatlong beses din siyang nagpaturok ng Covid-19 vaccine, kahit na hindi pa ito inirerekomenda ng Department of Health (DoH) dahil sa limitadong suplay ng bakuna.
Ang naunang dalawang doses niya ay Sinovac at ang ikatlo Pfizer.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, inihahanda na ng kanyang tanggapan ang pagsasampa ng kasong vaccine fraud sa dalawa.