Advertisers
ARESTADO ang isang empleyado ng Child’s Hope Hospital nang maningil sa libreng swab test sa Pasig City.
Kinilala ang dinakip na si RV Tobago, 23 anyos, isang molecular encoder sa naturang ospital.
Ayon sa ulat, binibenta ni Tobago ang libreng swab test sa mga non-resident ng Pasig mula P900 hanggang P3,900.
Pinaghahanap naman ang kasabwat ni Tobago na si Aljohn Santos.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad si Tobago.