Advertisers

Advertisers

DAVAO PROVINCIAL JAIL SINALAKAY NG KULTO: 1 PATAY, 7 BILANGGO NAKATAKAS!

0 483

Advertisers

PITONG preso ng Davao Oriental Provincial Jail sa Mati City ang nakatakas Sabado ng hapon sa tulong ng 25 indibidwal na mga miyembro ng isang kulto.

Ayon sa Mati City PNP, nilusob ng mga miyembro ng ‘Pinatikan Religious Cult’ ang provincial jail. Isa sa mga miyembro ang napatay ng mga jail guard.

Sabi ng pulisya, pwersahang pinasok ng mga armadong miyembro ng kulto ang correctional facility para sagipin ang kanilang lider na kinilalang si Cornelio Galon III.



Nabigla ang mga guwardiya sa pagsalakay ng grupo, kaya na-rescue ng mga miyembro ng kulto si Galon at iba pang inmates na kinilala na sina Dominador Lintuan, Laudeco Lintuan, Sugaan Gil, Arjowe Lintuan, Ranjay Baluro, at Inabitan Ismadi.

Tinutukoy pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng napatay na miyembro ng kulto.



Patuloy pang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at militar sa 7 tumakas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">