Advertisers
KINUWESTIYON ng mga senador ang pagbili ng overpriced face masks at face shields ng Department of Health noong nakaraang taon.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee, pinuna nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Imee Marcos ang pagbili ng naturang items na nagkakahalaga ng P42.4 billion.
Ang purchasing ay ginawa ng Department of Budget and Management’s Procurement Service sa P27.72 bawat face mask at P120 bawat face shield.
Ayon kay Marcos, sa kabila na ang mga suplay nito ay limitado, nananatili paring overpriced ang naturang mga items.
Ipinaliwanag naman ni DOH Procurement Service director Paul Guimbarda, walang suggested retail price na inaprubahan nang bilhin ang mga ito, kaya naghanap nalang umano sila ng “reasonable price.”
Pero pagpuna ni Drilon “very suspicious price” parin umano ang mga ito, dahil batay sa memorandum order na inilabas ng DOH na naglalaman ng SRP para sa naturang items ang face mask ay nasa P2 hanggang P4 kada piraso habang P26 hanggang P50 kada piraso naman ang face shield. (Mylene Alfonso)