Advertisers
AYON kay boxing icon turned senator MANNY ‘PACMAN’PACQUIAO. ‘Either I will run for president or senator ..or not at all and give up in politics and concentrate in boxing,’ Habang floating pa ang karera ni PACMAN, isang hot item din sa social media ang insensitive posts ng asawa. Pinupukol ng bashers si JINKEE PACQUIAO na ipinagyayabang umano sa socmed ang maluhong collection ng mga gamit partikular ang nakalululang presyo ng branded bags at kasuotan sa halagang milyones, habang naghihirap ang milyun-milyong PiNOY lalo ngayong pandemic period.
Ilan sa top comments, (may initial naYB): “Typical attitude ng taong mahirap na yumaman.
SHOW OFF. Bihira sa mga ipinanganak na mayaman ang ganyang attitude.”.(PGT): Kung meron silang magagandang bagay, di kailangan ipakita sa lahat, dami kayang mahirap at hikahos sa buhay. Kawawa naman lalo ang magiging tingin ng mahirap sa sarili nila.”, AS: leave them with their own lives! Bakit nun mahirap ba cia pinuri ba? O baka kinutya at walang pumapansin. Live and let live lang. Ganun kasimple!” DM: All knew di galing yan sa nakaw. What is annoying, you are aware..flaunting all this richness and staff, why flaunt post, bcoz you have such things, makes you happy and proud. Have you thought of others, that they don’t have such blessings. And yet you wanted to project an image you are Godly..even quote bible verses, against your bashers..insinuating that what you are doing is righteous in the eyes of your God, it does not look that way..me kasama ng pagyayabang ayaw nyo lang aminin.” LP: Mga hambugiro mn.’, JC: “.. maraming namamatay sa gutom unahin pa yan ng asawa ng senador.”
ENTER… TITA CRISTY and MANAY LOLIT
MAS attention-catching ang birada ng fellow scribes/entertainment manager-columnists na sina TITA CRISTY FERMIN at Manay LOLIT SOLIS na mas nagpalutang sa isyu.TITA CRISTY:‘ Kung mayroon siyang pakialam, dapat di nya inilalantad ang kanyang kayamanan sa pamamagitan ng kanyang mga kagamitan. At wala pong kahihiyan si JINKEE PACQUIAO. Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo lahat ng binibili mo. WALA KA SA TIMING, HINDI KA MARUNONG UMUNAWA SA SIYWASYON NG MUNDO NGAYON. Kahit mayaman ang misis ng Pambansang Kamao, dapat maging sensitibo pa rin siya sa iba!”
MANAY LOLIT: ‘ Medyo hinay-hinay muna ang paggamit ng mamahalin dahil nga pandemic, pero hindi mo naman dapat husgahan kung marami syang gamit.”
(Yun lang po, hindi ang mga gamit ang bina-bash kundi angpagyayabang umano ng branded na gamit sa halagang milyones na tila sampal ng senator’s wifey sa naghihirap na Pinoy). Malaking isyu ang post ni JINKEE sa suot sa nagdaang laban ni PACMAN versus UGAS,costing Php2.2 M samantalang marami ang naghihirap. Namimili lang umano sila ng tutulungan at hindi tunay na matulungin, gusto lang ng pera at power, ayon sa bashers.
Depensa ni PACMAN: ‘Gusto namin, kung ano yung tinatamasanamin ngayon, pinagdadaanan namin, gagawin namin dahil hindi naman kami nagnanakaw. Pinaghirapan namin yan kung ano meron kami!”karugtong na linya..Mukha lang mamahalin, pero mura lang talaga!” . At this point na matunog ang pagtakbo ni Senador PACQUIAOsa presidential post, pati kami ay napapatanong, PLUS FACTOR BA O BADINFLUENCE SI JINKEE sa Pambansang Kamao? Well, medyo malayo pa po angeleksyon kahit filing of candidacy na sa darating na Oktubre 1-10 .HAPPY READING!