Advertisers

Advertisers

Mag-inang natutulog sa palengke, hinostage

0 347

Advertisers

NABALOT ng tensiyon ang isang pamilihan nang i-hostage ng lalaki ang mag-ina sa Cebu City.

Sa ulat, nangyari ang insidente Linggo ng madaling araw.

Natutulog ang mag-ina sa kanilang puwesto nang bigla silang tutukan ng patalim ng isang lalaki na mayroon umanong kondisyon sa pag-iisip.



Kaagad namang rumesponde ang mga pulis at SWAT team, na gumawa ng paraan upang pakalmahin ang suspek.

Pero sa halip na sumuko, lalong nagwala ang suspek at tinangka niyang saksakin ang anak ng babae.



Dito na kumilos ang mga awtoridad at binaril ang lalaki na tinamaan sa balikat.

Ligtas na nasagip ang mag-ina at naaresto ang nang-hostage.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">