Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 19,271 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Setyembre 19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 25,037 na gumaling at 205 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.5% (178,196) ang aktibong kaso, 90.9% (2,151,765) na ang gumaling, at 1.55% (36,788) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 17, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)