Advertisers
BUMABA pa sa 16,361 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Setyembre 21.
Samantala ay mayroon namang naitalang 21,974 na gumaling at 140 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (171,142) ang aktibong kaso, 91.3% (2,193,700) na ang gumaling, at 1.54% (37,074) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 19, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19.
Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)