Advertisers

Advertisers

Anne tiniyak ang pagbalik sa ‘It’s Showtime’

0 303

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SINAGOT ni Anne Curris ang madalas na tanong sa kanya ng fans kung babalik pa siya sa It’s Showtime at siniguro niya na malapit na itong mangyari.

“Siyempre malapit  na. I am just  being  very  cautions din kasi  minsan  akala ko na nga  na babalik na ako, tapos biglang aakyat  yung  COVID-19 cases tapos  napapraning na ako,” pahayag ni Anne sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.



“Dahlia is still quite  young   pa, I am  just  being  very cautious muna. But soon. Babalik ako for sure yun.  Babalik talaga ako for  sure,” say pa ni Anne.

Siniguro rin niya na babalik din siya sa pag-arte. Nami-miss na nga raw niya ang paggawa ng serye lalo na ngayon na marami siyang napapanood na mga TV series.



“Nami-miss ko rin talaga umarte. That`s  another thing that  this time has  given me, nakakanood na ako ng  napakaraming   teleserye and K-dramas and mga Spanish series. I am super  into  it. When  you  watch these  films and these series, as an actress nagaganahan ako. Nami-miss ko. So I  know talaga  na babalik ako,” aniya.

Sinabi rin ni Anne na matagal nang napahinga ang kanyang boses kaya magandang-maganda raw ito ngayon.



“I  just  wanna  tell  everybody, to all our  viewers here, nakapahinga  po talaga yung voice ko ngayon. So talagang wait for  it. Talagang iba na siya ngayon napakaganda,” say ni Anne na ikinatuwa ni Kuya Boy.

***

Jinkee pinaghahandaan na ang pagtakbong Pangulo ni Manny

SA kanyang Instagram ay sinabi ni Jinkee Pacquiao na buong puso ang suporta niya sa pagkandidatong Pangulo ng mister na si Manny Pacquiao na opisyal  nang tinanggap ang nominasyon ng kanyang Partido.

Base sa post ni Jinkee ay hindi raw naging madali ang desisyon ng mister. Nasaksihan daw niya ang araw-araw na pagdarasal para humingi ng gabay sa Panginoon.

“Yesterday my husband has committed  himself  to  enter the Ring to vie for the Presidency of the Philippines. As a wife, I  and our children stand  beside  him  wholeheartedly supporting him with our love and  prayers and confidence. It  has not been an easy decision for him but  his  heart and love for  our country calls him  to,” panimulang post ni Jinkee.

“God  has put  another  dream  in his heart  a Bigger Dream not for himself  or  our family or  our  loves – to help them achieve their  Best  Life. Manny  does not confirm  to be perfect, be the most  learned and skilled   but  one  thing  I  know and have witnessed. Everybody he calls on our  Almighty God seeking his wisdom knowledge  and understanding.

“Bilang asawa nakita ko ang pambihirang  transformation  niya from Glory to Glory. Babe The Lord redeemed you and restored you  for this  very purpose,” say pa ni Jinkee.

Ayon pa kay Jinkee ay 100% ang ibinibigay niyang suporta sa panibagong laban ng kanyang mister.

“Maraming salamat sa paglaban mo para  sa ating  pamilya. Ngayon I’m  with  you  100%  as  you fight  for   our  country,” mensahe pa ni Jinkee kay Manny.