Advertisers

Advertisers

Bobo at takot magbulgar ng katiwalian na senador palitan!

0 370

Advertisers

SA ngayon pagnakabasa ka at nakarinig ng salitang BOBO, Bobo,bobo iisa ang iisipin nyo ang hari ng taga batikos sa mga opisyal ng pamahalaan na naggagaling-galingan Atty. Larry Gadon.

Pagbubulgar sa mga katiwalian, korapsiyon at pagsasampa ng kaso sa sinumang indibidwal na taong gobyerno ang hindi palalampasin, walang sisinuhin at hangad ng tinaguriang “Mr Pagbubulgar sa Katiwalian” na ito ay agad maparusan sakaling palarin at ipag-adya ng Panginoong Diyos na maluklok sa Senado.

Sa muling pagsabak sa politika mga Ka Usapang HAUZ ni Atty. Gadon nangako itong una niyang sisilipin ang mga walang karapatang humawak ng mga sensitibong posisyon sa gobyerno at ang mga ito ay iyong inapoint lamang bilang pagtanaw ng utang na loob sa ginawang pagtulong sa eleksiyon, “yun bang mapagbigyan lang kahit na mga Bobo, bobo at bobo pa sa paghawak ng departamento”.



Nais rin ni “Mr. Pagbubulgar” Atty. Gadon na mapalitan na ang mga Senador na Bulag, Pipi at Bingi kung kaya’t nais nitong mapabilang bilang isa sa Mambabatas ng senado at makaka-asa ang Sambayanan na hindi niya papanisin ang kanyang laway para ipaalam ang mga nagaganap na katiwalian sa bansa.

Ayon kay Atty. Gadon mga Ka Usapang HAUZ, sa dami na niyang ibinulgar na mga katiwalian at mga ka-Bobohan tulad ng hayagang pagbatikos nito sa DoH hinggil sa nagaganap na Covid-19 Vaccine na hindi accurate ang report ng ahensiya at di kapani paniwala na siyang nagbibigay kalituhan at takot sa mamamayan kung kaya’t nasabihan nitong Bobo.



Nagpahayag nito lamang si Atty. Gadon mga Ka Usapang HAUZ hinggil sa isang opisyal ng gobyerno ang kanyang kinasuhan kamakailan sa Ombudsman ng kasong Graft and Corruption ang bilis ng resulta agad nagbitiw sa tungkulin ang opisyal.

Ang tinutukoy ni Mr. Pagbubulgar ay ang President ng Philippine International Trading Corporation na si Dave Almarines na hindi maipaliwanag kung saan napunta ang bilyon bilyong pondo na pag-aari ng mga Agency.



Maging si Department of Finance Secretary Sonny Dominguez ay nag-utos na ibalik ni Almarines ang pera na pag-aari ng mga agency at hindi ito nakapaloob sa PITC.

Minabuti ng dating presidente ng PITC na si Almarines na magbitiw na lang sa kanyang pwesto upang matakasan ang nasabing kontrobersiya ito ay pahayag ni Atty. Gadon.

May panawagan mga Ka Usapang HAUZ ang nagpasikat sa salitang “Bobo” Atty. Larry Gadon sa Ombudsman na hindi dapat itigil ang paglilitis kahit na nagbitiw pa sa kanyang pwesto si Almarines nang sa gayon ay tuluyan na itong hindi makakuha pa ng puwesto sa gobyerno dahil sa kaso nitong Graft and Corruption.

Pinahahabol nga pala ni Atty. Gadon na siya ay nasa lineup ng Partido Federal ng Pilipinas ni Dating Senador Bong Bong Marcos na kakatawan sa partido bilang Pangulo at siya ay senador.

***

Para sa inyong mga Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt sa 0935-2916036