Advertisers

Advertisers

Financier ng Sayyaf, patay sa ‘warrant of arrest’

0 681

Advertisers

Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf sa isinagawang operasyon sa Luuk, Sulu.

Ito ang kinumpirma ng Marine Corps Public Affairs Office nitong Huwebes, Setyembre 23.

Kinilala ang suspek na si Aldasir Makumbong o ‘Alsimar Mangumah’ na siya ring subject ng inihain na warrant of arrest ng mga otoridad.



Sa ulat, si Makumbong ang itinuturong primary suspect sa pagpatay sa businesswoman sa Zamboanga City at sangkot pa sa pagnanakaw at illegal drug trade.

Ayon sa militar, pinaghihinalaang si Makumbong na financer ng Abu Sayyaf na nagbibigay ng logistical support sa grupo, lalo na sa lider nitong si ‘Addal’.



Napatay si Makumbong nang magkaputukan habang sinusubukan arestuhin ng 4th Marine Brigade, Naval Task Group – Sulu, PNP Sulu Regional Office at iba pang law enforcement agency sa bahay ng suspek.

Nadala pa sa ospital ang suspek ngunit idineklarang dead on arrival.



Narekober sa suspek ang M14 rifle, magazine, tatlong spent shell ng 7.62mm at kahon na naglalaman ng dried marijuana leaves.