Advertisers

Advertisers

2 gun for hire todas sa barilan

0 527

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Patay ang dalawang gun for hire nang manlaban sa mga pulis sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bots Midsayak Ganawan, 38 anyos, may asawa; at Imbran Midsapak, mga residente ng Purok Central Barangay Magatos Kabacan Cotabato.

Ayon sa ulat ng Matalam PNP na nakatanggap sila ng impormasyon sa dalawa katao na kahina-hinala ang kinikilos sa harap ng isang gasoline station sa Barangay Poblacion Matalam Cotabato.



Nang magresponde ang mga pulis at sinita ang mga suspek, mabilis itong tumakas sakay ng kanilang motorsiklo at nagpaputok.

Napilitan ang mga pulis na paputukan rin sina Ganawan at Midsapak kaya nasawi ang mga ito.



Narekober ng mga pulis sa posisyon ng mga suspek ang isang kalibre.45 na pistola,dalawang magasin,mga bala,isang motorsiklo,pitaka,isang pakete ng shabu at ibang personal na kagamitan.

Sa repot, mga gun for hire ang mga suspek na sangkot sa bentahan ng pinagbabawal na droga at robbery hold-up.



Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa naturang pangyayari.