Advertisers

Advertisers

Solenn at Nico emosyonal sa unang biyahe ni Thylane

0 433

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGING emosyonal ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa social media  nang makasama nilang bumiyahe ang kanilang anak na si Thylane para bisitahin ang lolo at lola nito sa Madrid, Spain.

Yun kasi ang first time na bumiyahe si Thylane, magmula nang isinilang ito last year. Dahil pandemic pa rin ay hanggang bahay lang sila ng buong taon.



Ngayong taon lang napasyal nina Solenn at Nico ang panganay na anak  sa beach. Dahil puwede nang bumiyahe abroad ay naisipan nilang pasyalan na rin ang mga magulang ni Nico  sa Spain at the same time para makilala na rin nito ang kanilang apo.

Dahil first time nga raw sa international flight si Thylane  ay dalawang oras lang ito nakatulog sa 18 hours flight. Pero sulit naman ang kanilang matagal na biyahe dahil kinagiliwan  si Thylane ng kanyang grandparents.

“Meeting  abuelos for the first time  and it  was love  at  first  sight for both parties. Let  the  adventures  begin,” post ni Nico.

Nang kumakain sila ay halos maiyak naman daw sina Solenn at Nico  sa isang restaurant sa Madrid kasama si Thylane. First time raw kasi  kumain sa isang  restaurant ang kanilang panganay na anak.

Nagsara ang paboritong restaurant nina Solenn at Nico dahil sa pandemic kaya bindi naranasan ni Thylane ang kumain sa labas  at hanggang sa bahay lang ito kumakain.



***

Star Awards for Movies may virtual  awarding

Handang-handa na ang Philippine Movie Press Club sa pagdiriwang ng 36th Star Awards for Movies  Sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa pandemic ay idaraos ito sa pamamagitan ng virtual  awarding.

Sina Sanya Lopez at Congressman Alfred Vargas ang magsisilbing host sa Gabi ng Parangal ng 36th Star Award for Movies, kasama rin para mag-perform sina Regine Velasquez, Jed Madela at Luke Mijares.

Sabi nga ni Sanya, “I`m  so happy to be the host of this year’s Star Awards for Movies. It`s  my dream and  it  did  come true. Salamat PMPC for this opportunity. Ang mahanay ka sa mga bigating host ng past Star Awards ay malaking karangalan para sa akin. Thanks din Cong Alfred Vargas for  being my co-host  para sa inaabangang event  na ito. I enjoyed  working  again with you.”

Ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay igagawad sa veteran  theater, film at  television actress na si Angie Ferro habang ang Ulirang Alagad  ng Pelikula sa Likod ng Camera Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob kay seasoned master director na si Elwood Perez na nagdiriwang ng kanyang 50th year  sa movie industry.

Ang 36rh Star Awards for Movies ay handog ng Philippine Movie Press Club sa pangunguna ng kasalukuyang Pangulo na si Rodan Castro sa pakikipagtulungan  ng Film Development Council of the Philippines ni Chairperson Liza Dino-Seguerra at ng Wemsap ni Wilbert Tolentino. Ito ay ididirek ni Pete Mariano.

Mapapanood ang pabuuang programa sa Sept. 26 sa STV digital  TV at RAD streaming platform ng alas-6  hanggang alas-9 ng gabi.

***

NAG-viral ang ipinost na larawan ni Angel Locsin last Tuesday  na makikitang malaki na ang kanyang ipinayat  Ipinaliwanag at nagbigay siya ng tips sa mga katulad niyang dumadaan din sa “weight loss journey.”

Ang unang tip ni Angel ay dapat daw alamin ang tamang pose para magmukhang slim na nag-viral nga photos niya.

“Hello everyone! About  my recent  post  that  became viral, first, I what to say that  knowing how to pose  the right  way  can  help  you look slimmer. I  think  everyone  who  post  watched  top model  knows  this,” panimula ni Angel sa kanyang  Instagram post.

Ang payo nga ni Angel ay hindi raw dapat  ma-pressure  na pumayat  agad-agad  dahil  hindi raw  talaga ito madaling proseso.

“Your  are more than  your  weight  or how  you look. What`s  important  is how  you feel and think of yourself Shine. Don`t  let the perception of others dim your light. I know you  are trying. I  know  it`s  hard. I understand,” aniya

Tungkol naman sa kanyang journey, aminado siyang  she`s  still  a “work  in  progress.”  “Second,  slowly, yes  I  was able to slim  down- but I`m  acknowledging  that  I`m  still a work in progress.Though, I feel good now, I`ve  been  taking care of my health and trying out something new  I will  share   with you  my process  and journey some other time, when I`m  more confident  na. But this is not  without  struggle and bumps.”say pa ni Angel.

At the end ay sinabi na ni Angel na excited na rin siya makita ang mangyayari  sa kanyang “balik alindog”  program  within  the next  few months

“I  will not let  anyone dictate my pace. But  I am  looking  forward  to what  I  can achieve   in the next  3 months or  so. Love you, fats and all,” pagtatapos ni Angel.

Pinuri at inayunan naman ng kanyang mga kaibigang celebrities ang nasabing post, tulad nina Maja Salvador, Bea Alonzo, Vina Morales, Ruffa Gurierrez, Agot Isidro at marami pang iba.