Advertisers

Advertisers

Heart pinakyaw ang sapatos ni Rufa Mae

0 305

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA latest vlog ni Heart Evangelista ay ibinahagi nito ang koleksyon ng kanyang mga sapatos.

Mas lalong dumami ito at nadagdagan ng mga magagandang sapatos.



Ayon sa esmi ni Chiz Escudero, kahit ang shoes ni Rufa Mae Quinto ay magaganda.

Kaya naman nang magbenta ito ay di na nag-dalawang isip si Heart na bilhin ito.

Kaso nilimas at pinakyaw naman nito ang lahat ng magagandang sapatos na binebenta ni Rufa Mae na natuwa naman.

Kaya yung mga gusto pa bumili ng sapatos ng komedyana ay ubos na dahil binili na lahat ni Heart.

Mas lalong dumami ang shoes colection ni Heart nang bilhin pa nito ang shoes ni Ruffa.



At kahit ang mister ni Heart na si Chiz ay alam ang  pagkahilig sa shoes ng kanyang misis.

Never na nga ito magtataka pa kung mas lalong dumami ang mga sapatos na ang iba ay grabeng mamahalin na.

Ngayon alam na raw ng netizens kung saan ba mahilig si Heart lumabas nga raw sa katauhan nito ang pagiging fashionista.

***

Iza  proud at naging bahagi ng Ang Probinsiyano

THANKFUL si Iza Calzado na naging parte ito ng long running action serye na Ang Probinsiyano.

Ginampanan ni Iza ang isang Col. Olivia Buenaventura as Intel Specialist. Masarap nga raw katrabaho si Coco Martin as Cardo  Dalisay.

Lalo na sa batuhan ng dayalog sa bawa’t eksena ‘yung energy niya kakaiba ayon nga sa mahusay na aktres.

At paano nga ba naman di mapa-proud si Iza, till now nga ay namamayagpag pa rin ito. Umabot na nga sa ika-anim na taong anibersaryo ang nasabing action series. Kaya naman binati at nagbigay ng mensahe si Iza.

Pasalamat ang aktres na naging bahagi siya ng Ang Probinsiyano.

Well, well, well…’Yun na!