Advertisers
Iniatas na ng pamunuan ng Philippine National Police ang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang kadete sa PNP Academy.
Ito ang sinabi ni PNP chief Guillermo Eleazar sa isang statement nitong Sabado, Setyembre 25 kung saan masusing imbestigasyon ang kailangan para sa kaso ni George Karl Magsayo.
Sa ulat, nagtamo si Magsayo ng bugbog sa katawan mula sa isang upperclassman nitong Setyembre 23 na nadala pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
“Nasa kustodiya na ng Silang Municipal Police Station ang kadeteng nanakit kay Cadet 3rd Class Magsayo at tinitiyak ko na haharapin niya ang mga kaukulang kasong nakatakdang isampa laban sa kanya batay sa magiging resulta ng imbestigasyon,” ani Eleazar.
Nilinaw naman ng PNPA na strikto pa rin sila sa pagpapatupad ng anti-hazing policy ngunit magsasagawa na rin sila ng mga seminar, weekly body checks at surprise inspection upang mas mabantayan ang mga kahalintulad na isyu.