Advertisers
NASABAT ng mga awtoridad ang nasa P34 milyong halaga ng shabu na itinago sa mga pakete ng tsaa sa Las Piñas City.
Kinilala ang nakunan ng ligal na droga na si Kenneth Vito Cruz.
Ayon sa pulisya, isinilid ang kontrabando sa tea packets at nasabat ito sa isinagawang anti-narcotics operation sa Las Piñas.
Mariin namang itinanggi ng suspek na sa kanya ang kontrabando at ipinasa lang daw sa kanya ito.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Cruz.(Gaynor Bonilla)