Advertisers
NASAGIP ng Philippine Navy ang 2 Malaysian nationals at kasamang 2 Filipino nang lumubog ang sinasakyan nilang speedboat nang hampasin ng malalakas na alon sa karagatan ng Tawi-Tawi.
Kinilala ang mga biktima na sina Hassan Bin Sayadi, 59 anyos; Majid Bin Ajahun, 46; kapwa Malaysian nationals; 2 Filipino na sina Jerry Erni, 35; at Solar De Leon, 40.
Ayon kay Lt Chester Rosa A. Cabaltera, spokesman ng Naval Force Western Mindanao, nasagip ang mga biktima ng Naval task Force 61’s 3rd Boat Attack Division sa karagatan ng Sibutu Passage, Tawi Tawi
Nakatanggap ng report ang Littoral Monitoring Station Bagao mula sa bulk carrier W-Raptor nang mamataan ang 4 na katao palutang-lutang sa karagatan nang lumubog ang sinasakyang speedboat.
Agad naman ipinagbigay-alam sa LMS Bongao sa 3rd Boat Attack Division nakabase sa Naval Station Juan Magluyan sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi.
Nagpadala ng NFWM ng , Multi-Purpose Attack Craft MPAC BA488 at BRP Juan Magluyan (PC392) upang magsagawa ng search and rescue at natagpuan ang 4 na sakay ng speedboat.
Patungo ang mga biktima sa Bangao galing sa Sabah nang hampasin ng malakas na alon ang speedboat at lumubog (Mark Obleada)