Advertisers

Advertisers

P510m shabu, nakumpiska sa 2 drug courier sa Batangas Port

0 4

Advertisers

Naaresto ang dalawang drug courier at nakumpiska ang P510 milyong halaga ng shabu (crystal meth) sa isang interdiction operation sa Batangas Port nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ng PDEA ang mga naaresto sa mga alyas na “Hasad,” 22-anyos, estudyante, at “Judelyn,” 27-anyos, walang trabaho, kapwa residente ng Talon-Talon, Zamboanga City.

Ayon sa PDEA may kasama ang dalawang suspek ng isang 17-anyos na binata.

Ibibigay ang menor de edad sa lokal na tanggapan ng social welfare para sa naaangkop na interbensyon at tulong.

Narekober ang pitumpu’t limang foil packs na naglalaman ng 75,000 gramo ng shabu sa interdiction operation at ibibigay sa Laboratory Service ng PDEA para sa forensic examination.

Mahaharap ang mga naaresto sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” paliwanag ng PDEA.