Advertisers
NASAWI ang mag-asawa nang sumabog ang isang granada sa gitna ng kanilang pag-aaway sa Purok 8, Kubayan Phase 1, Barangay Casisang, Malaybalay, Bukidnon nitong Biyernes (Okt. 8).
Kinilala ang mag-asawa na sina Jojit Leona, 44 anyos, janitor sa Hall of Justice Building; at Romalyn Leona, 35, mga residente ng Purok 20, Casisang.
Nagkaroon naman ng minor injuries sina Raiza Mae Pacaldo, Kyle Pacaldo, Lorianna Lingayon, Stanley Zamora, at Hershell Dellebis, na agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Sa ulat, kinompronta ni Jojit si Romalyn dahil sa selos habang hawak nito ang isang granada. At sa gitna ng mainitang pagtatalo, biglang sumabog ang hawak na granada ni Jojit.
Narekober sa crime scene ang isang safety lever, isang full ring, fragmentation at striker spring ng granada.