Advertisers
PINADAPA ni Tyson Fury si Deontay Wilder sa pamamagian ng mabangis na 11th round knockout para mapanateli ang WBC heavyweight title sa T-Mobile Arena sa Las Vegas Sabado.
Agresibo si Wilder sa unang salpukan, gamit ang kanyang jab para umatras ang mas malaking si Fury habang sinusubukang e-setup ang kanyang malakas na kanan.
Nagpakawala si Fury ng matinding kanan at na knockout si Wilder sa third round pero gumanti ang Amerikano sa fourth, para padapain ang Briton sa canvas ng dalawang beses sa pamamagitan ng mga suntok sa ulo.
Patuloy na ginugulpi ni Fury si Wilder ng malinis na kanan sa gilid ng kanyang ulo sa huling round.
Ang bugbug sarado na si Wilder ay nabalita na agad pumunta sa ospital pagkatapos ng laban.
Dahil sa panalo, si Fury ay umangat sa (31-0-1) na nakuha ang dalawa sa tatlong paghaharap sa pagitan ng dalawang magkaribal matapos ang unag laban na nagtapos sa draw.
“It was a great fight tonight, it was worthy of any trilogy in the history of the sport,” Wika ni Fury.
“Deontay Wilder’s a top fighter, he gave me a real run for my money. I always said I’m the best in the world and he’s second best.”
Puntirya ni Fury na makatapat si Oleksandr Usyk ng Ukraine, may hawak na tatlong titulo, para sa tsnsang maging unang undisputed heavyweight champion mula kay Lennox Lewis 21 taon ang nakaraan.