Advertisers

Advertisers

Ika-143 Malasakit Center ilulunsad sa Tangub City

0 542

Advertisers

NAKATAKDANG pangunahan ni Senador Christopher “Bong” Go ang inagurasyon ng ika-143 na Malasakit Center.

Isasagawa ito sa Doña Maria D. Tan Memorial Hospital sa Tangub city, Misamis Occidental

Una rito, patuloy sa paghikayat si Go sa mga kababayan na huwag mag-atubiling lumapit sa mga Malasakit Center para sa kanilang pagpapagamot.



Sa kabila naman ng pagiging abala ni Go sa kanyang trabaho bilang senador, hindi pa rin nito pinapabayaan ang pagpaparami pa ng Malasakit Center na maituturing na pet program nito dahil nanguna siya sa paglulunsad nito kahit noong hindi pa siya senador.

Matapos ang pagpapasinaya, nakatakdang bisitahin ni Go ang Malasakit Center sa Mayor Hilario A. Ramiro Sr. Medical Center sa kalapit na Ozamis City sa parehong lalawigan na inilunsad noong January 31, 2020.

Matatandaang tiniyak ni Go ang patuloy na pagtatayo ng mga Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa mas mabilis at mas maaasahan na tulong medikal sa mga kababayan lalo na ng mga mahihirap.

Noon lamang nakaraang linggo ay ilang Malasakit Center ang pinasinayaan ni Go habang ilan ay personal niyang binisita. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">