Advertisers

Advertisers

SK Chairman huli sa curfew, kinotongan ng 6 Pulis-Maynila

0 649

Advertisers

DINIS-ARMAHAN ang anim na miyembro ng Manila Police District (MPD) dahil sa pangongotong sa isang Sangguniang Kabataan (SK) at kasamahan nito na nahuli sa curfew at nakuhanan kuno ng drug paraphernalias.

Nakatakdang i-inquest nitong Biyernes sa Manila Prosecutors Office sina Patrolman Kenneth Cordova, Cpl Johndee Toledo, Patrolman Danny Rangaig, SSgt Jeffrey Meija, Cpl Jigie Azores, at Cpl Kevin John Villanueva.

Sa imbestigasyon ng MPD- General Assigmment and Investigation Section, nangyari ang insidente sa Luzon Street, Barangay 314, Sta. Cruz, Manila.



Base reklamo ni Jericho Laniog, 24, SK Chairman at nakatira sa 1406 Doroteo Jose Street, Brgy. 313, Sta. Cruz, kasama ang kanyang kaibigan na hindi pinangalanan sa report nang sila’y arestuhin.

Inakusahan sila Laniog ng paglabag sa curfew at nakuhanan kuno ng drug paraphernalias ang kasama nito. Dinala sila sa Padre Algue PCP at dito na sila hiningan ng pera kapalit ng kanilang paglaya.



Ayon kay Laniog, nagbenta siya ng motorsiklo at alahas upang mabuo ang P47,000 na hinihingi ng naturang mga pulis.

Dahil sa nasabing reklamo, agad dinis-armahan ni Lt Colonel Magmo Gallora Jr., hepe ng MPD Police Station 2, ang kanyang mga tauhan at pinosasan at dinala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center para sa physical examination bago tinurn-over sa MPD-GAIS para sa pag-iimbestiga.



Sa ulat, kakasuhan ng robbery extortion ang mga inarestong pulis.(Jocelyn Domenden)