Advertisers

Advertisers

Bong Go sa gobyerno: Maghanda sa booster shots

0 221

Advertisers

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na magplano o maghanda sa posibleng pagbili ng COVID-19 booster shots sa hinaharap habang ipinaprayoridad sa ngayon ang pagtiyak at pagpapalawak ng pagbabakuna.

“Bukas po tayo sa posibilidad na sa hinaharap, baka kailanganin nating magbigay ng COVID-19 booster shots upang masigurong protektado ang ating mga kababayan laban sa virus,” sabi ni Go.

“Ngunit prayoridad po natin sa ngayon ang siguruhin munang bakunado ang mga Pilipino ayon sa ating vaccine guidelines,” idinagdag ng senador.



Sinabi ng senador na mayroong P45.4 bilyon sa Unprogrammed Fund para sa pagbili ng COVID-19 vaccine booster shots at nararapat ang masusing pag-aaral upang masigurong mabibili ito nang maayos kung kinakailangan. Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng Department of Health at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang posibilidad na mabigyan ng booster shots ang healthcare workers.

“Importanteng paghandaan na natin ito. Baka kailanganin natin ng booster lalo na dahil sa mga naglalabasang variants,” sabi ni Go sa deliberasyon ng 2022 budget ng DOH.



“Dapat din natin masiguro… na may sapat na pondo para sa mga vaccinators dahil tuluy-tuloy ang pagbabakuna natin hanggang sa susunod na taon. Napansin ko na sa kalagitnaan ng taon naghanap pa sila ng pondo para dito,” sabi ng senador.

Bagama’t suportado ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng COVID-19 booster doses sa healthcare personnel sa hinaharap, naniniwala siya na malaki pang porsiyento ng populasyon ang dapat na mabakunahan muna.



Binanggit ni Go na ang vaccination coverage sa labas ng Metro Manila ay dapat na pabilisin pa. Ang mga seniors na may comorbidities na hindi pa bakunado ang dapat na iprayoridad bago magbigay ng booster shots sa iba.

Anang senador, ang mga seniors at persons with comorbidities ay siyang mabilis na mahawakan ng COVID-19.