Advertisers

Advertisers

Isko, ‘adopted son’ na ng Lipa City, Batangas

0 605

Advertisers

ISA nang ganap na ‘adopted son’ ng Lipa City, Batangas si Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno habang ang Lipa naman ay sister-city na ng Manila, ito ay kasabay ng pagbuhos ng suporta ng mga political leaders sa probinsya ng Batangas kay Moreno, gayundin sa kanyang runningmate Dr. Willie Ong at ang kanilang senatorial slate.

Ang mga pangyayaring ito ay nakapaloob sa twin resolutions na ipinasa ng city legislative council ng Lipa kung saan kinikilala ang hindi matatawarang pagtulong ni Moreno, “his invaluable assistance to the people of Batangas, with the support of the people of Manila, through its local government and City Council, during the Taal Volcano eruption on January 12, 2020 and the onslaught of the COVID-19 pandemic.”

Inilarawan din si Moreno bilang “a public servant for almost three decades, who has been decisive and resilient in his governance to hurdle the challenges posed by (the) COVID-19 health crisis thereby saving many lives of our countrymen and encouraging other local leaders to follow his template.”



Nakita at binigyang halaga ng Sangguniang Panlungsod ng Lipa City ang donasyon ni Moreno sa Taal Volcano eruption at ang pagiging bukas ng pintuan ng Maynila sa mga vaccination centers nito sa mga residente ng Batangas at mga kalapit na lalawigan.

Sa isang hiwalay na resolusyon na nagbibigay kapangyarihan kay Lipa City Mayor Eric Africa na pumasok sa isang sister city relationship sa Maynila, sinasabi dito na: “the City of Lipa shall learn from the best practices of the City of Manila, which has been recognized for implementing innovative, proactive, and effective policies that greatly improved local governance and the delivery of services.”



Si Senator Ralph Recto, na nagdeklara ng kanyang suporta kay Moreno matapos na magdeklara itong tatakbo sa pagka-Presidente ng bansa noong September, ay pinangunahan ang mga l district representatives, board members, mayors, vice mayors, councilors at barangay officials mula sa buong lalawigan sa pagdalo sa convention sa Claro M. Recto Event Center nitong Biyernes.

Kinilala ni Recto ang napapanahon at mabilis na pagtugon ng Maynila sa COVID-19 sa ilalim ng liderato ni Moreno. Idinagdag din ng senador na dapat itong tularan sa buong bansa s pagsasabi na : “Kung kaya ng Maynila, ang sabi ko kay Mayor Isko, gawin natin sa buong Pilipinas.”



Sa kanyang panghihikayat sa mga Batangenos na suportahan ang presidential bid ni Moreno, sinabi ni kung paano nagsimula sa napakababa ni Moreno, pati na ang napakagandang overall track record nito sa public service. Sa kanyang mga pagpuri ay kinilala ng senador si Moreno sa kanyang: “competence, courage, and empathy for ordinary people.”

“Napakaraming problema na haharapin ang ating Bayan, kaya’t napakahalaga na tama ang piliin natin na mamumuno sa ating bansa. Ang Batangas, kinikilalang matalinong botante. Walang nananalo Pangulo na hindi nananalo sa Batangas,” sabi ni Recto.

Samantala ay ipinangako naman ni Moreno ang proteksyon sa mga local food producers, kabilang na ang mga local chicken at hog raisers, laban sa pagdagsa ng mga imported na karneng baboy at manok dahil sa mga smugglers.

“Lahat ng smugglers, bilang na panahon niyo. Pag natyambahan ko maging presidente, papanatag ang mga nasa bukid. May kakampi na sila sa gobyerno,” sabi Moreno.

“Hihigpitan po natin ang pagpasok ng baboy at manok sa Pilipinas. Producer naman tayo. The entire Luzon is producing meat. We should prioritize the food products of our own farmers and breeders of hog and chicken. If there is a need to augment our supply, then that’s the time we can import during the latter part of the year,” sabi pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)