Advertisers
Ang ating mga halalan lalo na ngayon ay maaari nating ihambing sa paborito nating laro.
Una kailangan may coach sa basketball na siyang campaign strategist sa eleksyon, Samantala ang team manager sa baloncesto ay ang campaign manager sa lapian o coalition.
Dapat kumpleto ang minimum na 12 sa line-up na may 2 na alternate. Sa eleksyon sa panguluhan ay may kandidato sa pagkapresidente at bise pati 12 na senador. Pwede mag-substitution sa listahan hanggang deadline bago mag-torneo
Para sa Mayo 2022 ay hanggang ika- 15 ng Nobyembre ang palitan.
Kaso sa pulitika now uubra ang sharing ng mga senatoriable. Tila wala kasing makakabuo na grupo.
May mga referee at game offcials kina LeBron James at JuneMar Fajardo. Sa halalan may Comelec na nangangasiwa.
May mag-cocommit ng personal o technical foul na pwede mauwi sa ejection sa parehong laban.
May susubok na mandaya. Bibilhin ang katunggali o may trojan horse.
May mananakit na posibleng mauwi sa gulo o patayan. Natatandaan pa ba ninyo ang basketbrawl at siyempre nandiyan ang political violence.
Sa huli may mananalo at matatalo. Yung iba maghahain pa ng protesta sa awtoridad. Sa dalawang larangan yan.
O di ba magkawangis sila sa maraming aspeto.
***
Olat ang Lakers sa kanilang anim na mga match sa pre-season. Bale wala silang pinagwagian. Lahat ng nakatapat nadaig sila.
Kumpleto ang Big 3 sa huling mga game kahit sa limitadong mga minuto. Kaso wala man lang nila nadaig kahit isa.
Subali’t hindi raw mahalaga ang mga exhibition. Darating daw ang araw na magiging cohesive sila bilang team.at magwawagi rin.
Tingnan natin sa pagbubukas ng 75th year ng NBA.
Heto ang sked nina Anthony Davis at mga kakampi sa isang linggo.
Kontra Warriors sa Miyerkules, Suns sa Sabado, Grizzlies sa Lunes. Susunod ang Spurs at ang Thunder.
Dito makikita kung ano ba sina LBJ ngayon taon. Matandang koponan o wais na team. Hehe.