Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 7,625 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Oktubre 15.
Samantala ay mayroon namang naitalang 13,363 na gumaling at 203 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.9% (78,999) ang aktibong kaso, 95.6% (2,586,369) na ang gumaling, at 1.49% (40,424) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 13, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 1.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)