Advertisers

Advertisers

Missing na brgy. kagawad naaagnas na nang matagpuan

0 328

Advertisers

ILOILO CITY – Nasa advanced state of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng isang barangay kagawad sa isang kubo sa Barangay Huna, San Joaquin, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Arthur Doñan, 53 anyos, barangay kagawad sa Barangay Huna.

Ayon kay Lt. Dionisio Estacio, hepe ng San Joaquin PNP, may nakitang sugat sa ulo ng kagawad na pinaniniwalaang tama ng bala.



Nakatakdang isailalim sa autopsy ang biktima.

May tatlong persons of interest na sinusundan ang mga imbestigador na pawang residente rin sa lugar.

Sinasabing bago ang nangyaring pagpatay sa kagawad, nakita ito sa isang inuman at mayroon itong mga nakasagutang kasamahan.