Advertisers

Advertisers

Rhian ini-enjoy ang pagiging single; Beauty happy sa kinalabasan ng unang serye sa Kapuso

0 230

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MASAYANG-masaya si Beauty Gonzales sa kinalabasan ng first miniseryeng ginawa sa Kapuso Network, naging isang malaking hit kahit pa sabihin na alinlangan pa noon si Beauty sa kalalabasan ng “Straight From The Heart: Loving Miss Bridgette” dahil sa ang kanyang leading man ay mas hamak na bata ang edad kaysa sa kanya, si Kelvin Miranda.

Pero nawala lahat ang kaba sa dibdib ni Bianca nang maging super hit ang kanilang miniserye ni Kelvin, at marami rin ang humihiling na sana ay may book 2 ang istorya ng pagmamahalan nina Beauty at Kelvin.



Sa kanyang social media account ay inihayag ni Beauty ang kanyang saloobin sa katatapos lang na serye nila ni Kelvin.

“Who would have thought that a love between an older woman and a younger man would work in National Television, but it has. Life is full of surprises and who knows maybe one day Bridgette and Marcus may tickle our hearts once again, bilog ang mundo and good things happen to good people,” say ni Beauty.



Pinasalamatan din ni Beauty ang kanyang leading man na si Kelvin at sa mga big boss ng Kapuso Network.

“I’d like to take this opportunity to thank all the wonderful cast and crew involved in the production of #LovingMissBridgette.



“Thank you for making me feel loved and welcome. We have truly become friends.

“To the bosses at GMA, you took a chance on me, thank you. I hope this paves the way to a long and fruitful collaboration,  a genuine one with lots of love and laughter.

“To @aalixjr thank you for taming the beast and bringing out the best in me, My baby boy @iamkelvinmiranda.

“You’re alright! Do you believe in Reincarnation?” dagdag na say pa rin ni Beauty.

Sa ngayon ay vacation mode  pa muna si Beauty pero nakahanda na rin umano ang susunod na seryeng gagawin niya sa Kapuso Network, with no less than an A-List Kapuso actor ang leading man niya. Bulung-bulungan na si Dingdong Dantes ang naturang actor.

***

IBANG klase kung magmahal si Rhian Ramos,  all mine to give rin ang kanyang drama. May nagsasabing halos di na rin nagtitira pa para sa sarili si Rhian pag nagmahal ito.

Sa ngayon ay loveless si Rhian at ang kahuli-hulian naging boypren niya ay isang Israeli na si Amit Borsok. Ngayong buwan ng Oktubre ay birthday month ni Rhian at nag-wish na  mabawasan ang kanyang mga pagkakamali in her younger years at kasama na rin siempre dito ang laging failed relationship niya with the man she loved.

“I really, really am looking forward to the rest of my 30s also. I’m hoping that there will be fun just like my 20s, but not as stupid because I’m smarter now,” sabi ni Rhian.

Sa ngayon ay masaya naman sa buhay niya si Rhian kahit single at tinuon na muna ang sarili sa trabaho.

“Kailangan nating magtrabaho eh. So if you are blessed enough and have the privilege to be able to slow down and appreciate the small things, then that to me is success now,” dagdag na say pa ni Rhian.

Sa ngayon ay bisi-bisihan ang byuti ni Rhian sa bago niyang serye sa Siyete after ng serye nila nina Carla Abellana at Mikael Daez, ang “Love of My Life”, ang “Artikulo 247” kasama sina Mark Herras, Benjamin Alves, Jackie Rice, Kris Bernal at marami pang iba.