Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MARAMI ang nagsasabi na pang-beauty queen ang Kapamilya actress na si Kira Balinger kaya marami ang kinukumbinsi siyang sumali sa beauty pageant.
Aminado naman si Kira na madalas siyang manood ng mga beauty pageant pero hindi pa raw siya sigurado kung handa na siya sumali.
“You know times are so uncertain right now. So as of now, I think my focus is still acting since. ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’,” say ni Kira.
“And I only turned 21, so I still do feel that I`m a little bit young to carry the responsibility if ever I were to join and win a beauty pageant. So, I`m just enjoying life in the ways that I can right now,” patuloy pa ni Kira
Pero bukas naman daw siya sa posibilidad na sumabak sa contest someday.
“Maybe in the near future po. Maybe when acting sort of dies down a bit, maybe? When I have time to pursue something else, time to train po,” aniya.
Bata pa raw siya at fan siya ng mga beauty pageant. Pangarap din daw niya noon na maging isang beauty queen.
“But now that I`m older, grabe, it`s such a big responsibility, no? Because the platform that you have when you become a beauty queen, the whole world can see you and can see your advocacies and everything that you do.
“So, I really do admire beauty queens. The effort and the dedication that they put into that, wow, it`s really amazing,” say pa ni Kira.
***
SOBRANG magmahal bilang kapatid at anak si Ivana Alana kaya naman pinagpapala ito na pinapantasyahan ng mga barako at pinapangarap ng mga kalalakihan na maging dyowa.
Pagdating sa kanyang mga mahal sa buhay lalo sa kapatid na si Mona Alawi na open book na may Type 1 diabetis ay lahat ng kaya niyang ibigay ay ipinagkakaloob dito at sinisiguro na lahat ng gamot na kailangan ng kapatid na bunso bagay na nagpapasaya naman kay Mona.
May oras na si Mona na rin mismo ang tumatanggi sa mga regalong ibinibigay sa kanya ni Ivana dahil unang-una ay mamahalin anya ang mga ito.
Pero hindi pinakikinggan ni Ivana ang mga pag-ayaw ng kapatid na bunso dahil bilang ate ay alam niyang responsibilidad niya pangalagaan ang mga mahal sa buhay.
Kaya naman sobrang pagmamahal din ang pinadarama ng kapatid at mama ni Ivana sa sexy actress.
Maging sa katulong ay mistulang kamag-anak na rin ang turing ni Ivana sa mga ito. At sadyang mababa ang loob ni loob sa mga taong nangangailangan.
Dalangin ng mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Ivana na sana raw ay makatagpo ito ng lalaking talagang magmamahal at aalagaan siya habambuhay.