Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
REFRESHING ang bagong Kapuso news magazine show na Dapat Alam Mo! na nagsimulang umere nitong Lunes sa GTV. Maganda rin ang feedback ng viewers sa trio nina Emil Sumangil, Patricia Tumulak, at Kim Atienza. Para ka nga raw nanood ng 24 Oras, KMJS, Imbestigador, AHA! all rolled into one show!
Mabilis ang paghahatid ng mga balita at may mga public service component ang segments ni Emil. Si Patricia naman, very pleasing to watch while delivering light features lalo na ‘yung mga viral at trending. At syempre, hindi mawawala ang mga trivia na hatid ni Kuya Kim.
Swak na swak talaga ang Dapat Alam Mo! sa oras nitong 5:30 p.m. bago ang simulcast ng 24 Oras sa GTV dahil sa iba’t ibang putaheng handog nito sa viewers. Very catchy pa ang theme song na balita namin ay si Khalil Ramos ang kumanta! Congrats, Emil, Patricia, at Kuya Kim!
***
HINDI lang on-air dahil pati sa social media platforms ay talaga namang ‘sakalam’ o malakas ang award-winning Kapuso newscast na 24 Oras. Ang 24 Oras lang naman kasi ang kauna-unahang newcast sa bansa na may local livestream sa Tiktok.
Ibig sabihin lang nito, napapanood na rin sa video-sharing app ang nasabing programa. Nagsimula ang livestream nitong October 11. Last month lang opisyal na ipinakilala sa TikTok ang account nitong @24Oras pero humatak agad ito ng 691,000 followers habang may more than 5M likes at 276.5 million views na ito as of October 14.
Patok din sa netizens ang #24OrasChallenge na may chance kang maka ‘duet’ o makasama ang iyong favorite 24 Oras anchors sa paghahatid ng balita. Humigit 47.7 million views at more than 21,000 duets ang nagawa sa mga published challenge videos.
Ilan sa Kapuso personalities na naki-join sa challenge ay sina Mariz Umali, Drew Arellano, Joseph Morong, Oscar Oida, Victoria Tulad, Aubrey Carampel, at pati na si Jessica Soho—na may pinaka viral na duet na may 1.2 million views at 164,300 likes and counting!
Patunay lang ito sa galing ng 24 Oras na gamitin ang mga nauusong social media platforms para maghatid ng balita at impormasyon sa mas nakararami lalo na sa mga Gen Z na laging online. Congrats, 24 Oras!
***
NAAALALA mo pa ba, mahal kong patnugot, ang mga panahon na regular tayong nagka-caroling kina Ali Sotto, Mike Enriquez at Arnold Clavio? Na ganado ang PMPC carolers na gumising ng maaga para awitan ang tatlong batikang hosts tuwing Disyembre. (oo naman-–ed)
Sa ngayon, dahil sa pandemya ay hindi muna natin iyan magagawa.
Pero para hindi natin ma-miss si Ms. Ali, tamang-tama na makakapiling natin siyang muli, and this time, araw-araw, sa bagong morning TV-radio experience na hatid ng NET25 simula Lunes, October 18, 8 am, na makakasama natin sina Ali at Pat-P Daza, ang ANO SA PALAGAY ‘NYO?
Ang komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalakeng broadcasters ay tatapatan ngayon ng dalawang strong at pretty nanays na may ‘say’ pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan.
Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon.
“Maiparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo,” ayon kay Ali.
“I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least meron tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad ni Pat-P.
Magiging “very light at naiintindihan ng lahat ng tao” ang talakayan ika nga nina Ali at Pat-P.
Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 ng umaga, sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5.
Makibahagi sa talakayan! Mapa-tungkol sa pulitika man yan, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko o pagtugon sa pandemya, importanteng marinig ang boses ng sambayanan. Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtube channel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates.
Narito ang kanilang mga social media platforms…
Facebook: NET25 Instagram: @net25tv Twitter: @net25tv Telegram: t.me/net25eaglebroadcasting Youtube: NET25
Official website: net25.com