Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA post ng pics ni Diego Loyzaga sa kanyang socmed account ay ipinakita nito ang dating larawan na naka-topless kasama ang gf na si Barbie Imperial.
Ang larawan nga raw ‘yun na maganda pa ang kanyang katawan ay kuha bago pa ito magka-Covid.
Medyo umalsa naman ng bahagya ang katawan ni Diego.
At ang dahilan ng pag-post nito ng dating picture ay gusto raw nito na maibalik sa ganito ang kanyang body build na may mga abs.
Kaya panay work out ngayon ang bf ni Barbie at gusto niya maibalik ang macho body.
Less carbs ngayon ang tine-take ni Diego at salmon at chicken breast lang daw ang meal nito.
***
MARAMI ang na-sweetan sa pag I Love You ng couple na Bea Alonzo at Dominic Roque.
Kinilig ang followers ng magdyowa nang mag-post sila ng kanilang larawan sa IG.
Magkayakap pa ang dalawa habang dala ang brown or mocha cake.
Mas kinilig naman sa posted ng pics ng lagyan ito ng caption ni Dominic.
Nakalagay naman kasi sa photo caption ni Dominic “Happy happy birthday I Love You Hun.”
Nireplayan naman ito ni Bea ng “I Love You too Hun.”
Kahit ang black box ay may 3 Hun Hun Hun ang nakalagay na bigay ni Dominic.
Isang brown puppy naman ang bigay ni Dominic sa kaarawan ng gf na si Bea.
At ayon sa kampo ng aktres na ito na nga raw ang masayang birthday ni Bea.
Itinuring din nito na lucky charm si Dominic na sa kabila ng pandemya ay nagkaroon pa ito ng kontrata sa GMA-7.
Kaya wala na raw mahihiling pa ang aktres dahil masaya na ang lovelife ay may career pa ito.
Well, well, well…’Yun na!