Advertisers

Advertisers

DSWD mabilis kumilos para sa ikabubuti ng nangangailangan

0 329

Advertisers

MABILIS palang kumilos at umaksyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga taong nangangailangan ng tulong at suporta.

Akala ko’y hindi.

Ang pagkakaalam ko ay regular na nagbibigay ang DSWD ng buwanang pensiyon sa mga senior citizen, ayudang pinansiyal sa mga benepisyari ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ayudang pinansiyal din sa mga taong mahihirap na kapos o walang pambili ng mga gamot ang mga programa ng DSWD.



Tumutulong din pala ang naturang kagawaran sa mga ordinaryong tao na hindi kayang mailabas ng ospital ang kanilang mahal sa buhay dahil sa sobrang taas ng babayaran.

Tapos, mabilis pa ang pagkilos at aksyon.



Pokaragat na ‘yan!

Ako mismo ang testigo sa bilis ng pagkilos at pag-aksyon ng DSWD sa isang pamilyang napakahirap.



Tungkol ito kay Edward Ramos na inoperahan sa Lemery General Hospital Inc. sa Lemery, Batangas noong Setyembre 29.

Pribadong pagamutan ang Lemery General Hospital Inc. na ayon sa impormasyong aking nakalap ay pag-aari at pinamumunuan ng isang Dr. Eligio Tibayan.

Inoperahan ang nadurog na mga buto sa hita ni Ramos makaraang mabangga ang sinasakyan nilang dalawa ng kanyang kapatid na si Bernard Ramos na garong (motorsiklong mayroong sidecar) ng bus.

Ideneklara ng mga doktor ng Lemery General Hospital Inc. na dead on arrival si Bernard Ramos.

Ayon sa ulat ng pulisya, nabangga ang sinasakyang garong na mayroong kargang pinaor (bubong sa kubo) ng magkapatid na Ramos ng bus na ang pangalan ay Trans Wealth Fleet Management Corporation.

Ang tsuper ng Trans Wealth ay si Jose I. de Villa.

Nahuli si De Villa, ngunit pinalaya rin ng pulisya alinsunod sa desisyon ng piskalya.

Nabangga ng Trans Wealth ang garong dakong 7:30 ng umaga sa isang high-way sa Nasugbu, Batangas noong Setyembre 29.

Hindi inako at pinanagutan ni De Villa ang sinapit ng magkapatid na Ramos.

Hindi malinaw sa ulat ng pulisya kung nakarating sa mga may-ari at namamahala ng Trans Wealth Fleet Management Corporation ang naganap na pangyayari sa Nasugbu.

Nailabas si Edward Ramos nitong Oktubre 23 matapos mabayaran ang mahigit P200,000.

Tumagal sa Lemery General Hospital Inc. kasama ang kanyang asawa na nagbantay sa kanya dahil hindi nila kayang bayaran ang mahigit P200,000.

Kahit anong pakiusap ng kabiyak ni Ramos sa Billing Section na payagan nang makauwi ang kanyang asawa dahil mayroon na namang paunang bayad na P35,000 at mayroong darating na “guarantee letter” mula sa DSWD.

Hindi pumayag ang nasabing pagamutan dahil idiniin ng Billing Section na istriktong patakaran ng Lemery General Hospital Inc. ni Dr. Eligio Tibayan na kailangang bayaran ang buong mahigit P200,000.

Pokaragat na ‘yan!

Ang paunang bayad na P35,000 ay nanghaling sa nakatatandang kapatid at pamangkin ng asawa ni Edward.

Tinangggap ng Lemery General Hospital Inc. ang ayuda ng DSWD na P100, 000 na nakasaad sa guarantee letter ng ahensiya, ngunit aantayin pa ng naturang ospital ang aktuwal na perang P100,000.

Ang nangyari ay naghagilap at nangutang ang mga kapatid ng mag-asawang Ramos upang mabuo ang mahigit P200,000 dahil ‘yan ang gustong mangyari ng naturang pagamutan.

Tunay na napakalaking tulong ang ipinamalas ng DSWD.

Kaya, napakalaki ng aking pasasalamat kay DSWD Director Irene Dumlao.

Si Dumlao ay tagapagsalita ng DSWD at pinuno ng DSWD – Crisis Division.

Hindi natulungan ng Malasakit Center si Edward Ramos dahil pribadong pagamutan daw ang Lemery General Hospital.

Hindi ginusto ni Edward Ramos na dalhin siya sa Lemery General Hospital Inc.

At lalong hindi hinangad na madurog ang kanyang mga buto sa hita at mamatay ang kanyang kapatid noong Setyembre 29.

Hindi rin nakatulong ang Department of Health (DOH) sa kanta dahil ang payo ng huli ay humingi sina Ramos ng tulong sa pamahalaang lokal ng Lemery dahil tumutulong daw ang mga pulitiko o kaya magsangla ng ari-arian.

Ang totoo, dati rin ay hindi na ako natulungan ng Malasakit Center, samantalang pampublikong pagamutan ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Kaya, hanggang ngayon ay napakalaki pa rin ng bayarin ko.

Kung alam ko lang na nakatutulong pala ang DSWD hinggil sa mga taong mahihirap na naoospital ay siguradong sa DSWD ako lumapit.
Kaya, salamat po Direktor Irene Dumlao.

Mabuhay ka at God Bless you all the time!
Ubod nang hirap ang pamilya ng pasyente.

Si Edward ay walang regular na trabaho.

Sumasabit lang siya sa kanyang mga kapatid sa paggawa ng kubo upang magkaroon ng kita kahit kakarampot upang magkaroon lamang ng panggastos ang kanilang pamilya.

Wala ring regular na hanap-buhay.

Kaya, kung matutulungan ninyo sila para sa mga bibilhinmg gamot at buwanang pagpapatingin sa doktor ni Edward ay maaaring makipag-ugnayan kayo sa akin – nasa itaas po ang numero ng aking cellular phone at viber.

Salamat po.