Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NANG lumabas ang balitang buntis si Sarah Geronimo ay obviously fake news ito dahil wala pang ibinabalita si Matteo Guidicelli.
Sa dami ng nag-aabang na siya ay buntis, siguradong mabilis na kakalat agad ito sa showbiz.
Ang bago kay Sarah ay tinanggal na niya ang braces kaya lalong gumanda kapag nag-smile. Sa mga nagtatanong kung bakit ngayon lang at her age siya nagpalagay ng braces, tingnan na lang ang kanyang ngipin at talagang hahanga kayo.
Samantala, unfair naman kay Matteo na paratangan na pinipigilan daw nito si Sarah na magbalik ASAP Natin `To dahil may TV show ang husband ni Sarah sa TV 5.
May manager umano si Sarah na siyang nagde-decide sa showbiz career nito.
Kung sabagay kahit walang project si Sarah ay mabubuhay pa rin itong maginhawa dahil sa mga naipon nito mula nang pasukin ang showbiz
Ang tanong ay maging hot pa rin daw kaya ang charisma ni Sarah oras na magbalik showbiz na ito.
***
Kylie nawala sa sarili sa nangyari sa dyowang si Jake
WALA pala si Kylie Verzosa sa Manila at nasa Mindoro at nagsu-shooting nang mangyari ang car chase incident ng boyfriend na si Jake Cuenca.
Sobrang nalungkot daw siya at hindi nakatulog nang makarating sa kanya ang nangyari sa boyfriend.
“Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari and to be really honest, sinu-shoot ko po talaga yung Sisid nung mangyari ang incident na yun. And hindi ako nakatulog,” say ni Kylie sa ilang press.
“Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried and it took time po me to know the real story pero I just really feel bad for all parties involved,” say pa niya.
“Sa ngayon daw ay okey na ang boyfriend ko. Jake is getting better, he`s recovering. I`m happy na nagte-taping siya ngayon, may show siya sa ABS-CBN,” aniya.
Ikinatuwa ni Kylie na okey na ang problema sa pagitan ni Jake at ng awtoridad.
“Naayos naman na po, I think the offiicial announcement will be something next week. Okey na po. So, very unfortunate event lang siya for all parties,” say ni Kylie.
Sa mga panahon na yun ay magkausap daw sila ni Jake at talagang tsine-check daw niya ito every hour.
“Magkausap kami and happy ako na sinasagot niya pa rin yung phone, na very responsive siya sa akin everytime I would call. Tumatawag ako every hour to check up on him.
“I just fully support him and I know he`ll get through this,” say ni Kylie.
Samantala, isa sa mga pinaka-daring na pelikula ng former beauty queen ang My Husband’s Lover na ginagampanan niya ang role na married woman pero natukso pa ring umibig sa iba.