Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MATINDING challenge ang hinarap ng Viva contract artist na si Ana Jalandoni sa pinagbibidahan niyang pelikula titled Manipula.
Ang pelikula ay isang erotic-thriller na kargado ng sex and violence. Plano itong ipalabas sa online streaming this coming December.
Si Aljur Abrenica ang leading man dito ni Ana. Pinamahalaan at isinulat ni Direk Neal Tan, ito’y hatid ng AFlix Media Production.
Nabanggit ni Ana na anim na characters ang ginampanan niya rito.
Lahad niya, “Six characters ang ginampanan ko po sa pelikula. Sa tulong po ni Direk Neal, nagampanan ko po iyong role ko. Iyong mga character na ginagampanan ko kasi, paiba-iba, eh…
“Pero iyong main character ko talaga rito is Sylvia, siya yung anak ni Alan Paule, tapos nag-revenge siya eh, kasi ni-rape siya tapos ay pinatay ang dad niya.”
Pagpapatuloy pa ng sexy actress, “Kaya naging Manipula ang title, kaya siya nagkaroon ng different personalities, para madakip niya yung mga nag-rape sa kanya at saka mailabas yung parang galit niya.
“Kasi roon siya nagiging masaya, kapag pumapatay siya… ganoon kalalim. Pero nakayanan ko naman sa tulong ng co-actors ko.
“So, proud ako sa sarili ko kasi nalagpasan ko siya and I think nagawa ko iyong best ko.”
Saang character siya pinakanahirapan sa lahat?
Esplika niya “Pinakanahirapan ako, sa dalawa, iyong kay Kelvin na nagpanggap akong lalaki. Tapos iyong kay Sam, kasi super wild yung character niya.”
Ipinahayag din ni Ana na ito ang pinaka-daring niyang pelikula. “Ito po ang pinaka-daring sa nagawa kong pelikula. Kasi po usually ang ginagawa ko ay comedy-sexy. Ngayon ko lang po nagawa itong talagang may lalim ang kuwento.”
Hanggang saan ang limitations niya sa pagpapa-sexy?
Tugon niAna, “Sa limitation naman po, actually depende po sa story. Kaya ko naman po ang magpa-sexy talaga, pero depende po sa amin ng direktor iyon. Kung magkakasundo po kami sa mga gagawin, kung ano po ang mga kailangang gawin, gagawin ko lang po.”
Ang Manipula ay tinatampukan din nina Kiko Matos, Mark Manicad, Marco Alcaraz, Christian Vasquez, Alan Paule, Rolly Inocencio, at Rosanna Roces.