Kim mas gumaganda at sumeseksi habang nagkakaedad; Maine at Arjo magkasamang nag-celebrate ng b-day ng aktor sa Siargao
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MATAGAL din ang hinintay ni Xian Lim para makamit ang matamis na oo ni Kim Chiu.
Sa Ask KimXi vlog ni Xian ay may nagtanong kung gaano raw katagal niligawan ni Xian si Kim at sinagot naman ito ng aktres, “One and a half years.”
“Basta nag-one year din kaming ano. Kasi siyempre, para sure. Ayoko namang makipaglaro sa feelings ko, di ba?” say ni Kim.
Say naman ni Xian, “our relationship is like building a house. Dapat strong yung foundation. Kung hindi strong ang foundation ninyo, kung laro-laro lang naman yan sa umpisa, mabilis din yang mabubuwag. Make sure the foundation is great before you jump into anything.”
Sumang-ayon naman si Kim. “Yes, dapat matagal.”
Hirit naman ulit ni Xian, “the foundation should be strong. Kung biglaan n`yo lang sinagot yung tao, konting yanig lang, wala na.”
May nagtanong naman kung saan sinagot ni Kim si Xian na noong una ay hindi matandaan ng controversial actress/TV host.
Pinaalala naman ni Xian na sa car siya sinagot ng girlfriend.
“Sa car? Nag-long drive tayo. It`s either in the car or your house,” say pa ni Xian.
Pero hindi pa rin matandaan ni Kim kaya sabi ni Xian, “I remember kasi di ba? Tinanong talaga kita, very traditional tayo. Tinanong talaga kita, ‘Kim, will you be my girlfriend?'”
Finally natandaan din ni Kim at sinabi na sa kotse nga raw ito.
Samantala, habang nadadagdagan ang edad ni Kim ay mas lalong siyang gumaganda at sumeseksi.
***
HINDI fake at hindi edited ang pinost ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram na sinundan naman ng post ni Arjo Atayde sa IG.
Ang mga larawan ay kuha sa Siargao na magkasama ang dalawa with their friends para ipagdiwang ang 31st birthday ni Arjo last Nov. 5.
Nagreak ang AlDub fans sa pinost na larawan ni Maine na nasa likod siya ng boyfriend na nakayakap at nakalagay ang kamay sa ulo ni Arjo.
Ang photo na pinost naman ni Arjo ay nakayakap siya kay Maine na may caption na, “Starting 31 with one of life`s biggest blessings. I love you sooo much, bubba. Thank you for everything.”
Marami ang kinilig sa pagbati kay Arjo at mapapansin din na Congressman na kung tawagin ang actor dahil tumatakbo nga itong Kongresista sa 1st district ng Kyusi.
Pero may AlDub fans pa rin ang tila naninindigan na sina Maine at Alden Richards pa rin ang may relasyon, na kasal na raw at may anak.