Advertisers

Advertisers

Misis naibili ng motorsiklo si mister sa ‘ipon challenge’

0 212

Advertisers

MARAMI ang humanga sa isang ginang na dahil sa pagtitipid at pag-iipon nito naibili ang asawa niya ng NMax na motorsiklo.

Sa Facebook ibinahagi ni Chinkee Tan ang kuwento ng mag-asawa.

Sabi ni Jho Jeremias, apat na buwan siyang nag-ipon challenge galing sa mga tubo niya mula sa pagtitinda.



“Maliit man pag naipon may pang NMax na wala po kaming bisyo mag-asawa at hindi rin kami maluho nkalimutan ko na nga kung kailan ako huling bumili ng damit na lumagpas ng 50 pesos. Kuripot in short kasi may mga bagay na pong lalaanan luho man ito para sa iba pero para samin achievement to reward para sa mister kung ubod ng sipag at bait,” sambit niya.

“Lahat po to e galing sa tubo kaya mga kapwa ko online seller diyan kaya natin basta pagsikapan.. ako ultimo 5-10 na tubo hindi ko talaga ginagalaw kasi sariling pera ko na iyon. Para sa mga bagay na gusto kong pag-ipunan. ipon ulit,” dagdag niya.