Advertisers

Advertisers

TORETE SILA KAY PDU30!

0 201

Advertisers

MEN on second and third base, bottom of 9th inning. With one out,Digong at bat,two strikes and ball 2. Bentahe ang kalaban pero winning run ang nasa second base.

Isang sacrifice fly ang hinataw ni batter Digong abot halos sa bakod.Sambot ng outfielder pero naka-home ang dalawa para sa go ahead.Tapos ang boksing este baseball at panalo ang tropa ni Rodrigo dahil sa istratehiyang sakripisyo.

Ganito ko nailalarawan ang ginagawang tactical moves lately ni PRRD partikular ngayong humahataw na ang mga kampanyero sa nasyunal na eksena ng pulitika sa bansa.



Mayroon siyang mga swing and a miss pero may hit din direkta ang sapul ng batu- bato sa langit , tamaa’y tiyak na galit kasangga man lalo na kung kalaban.

Ang kanyang galaw ay tunay na puzzle na either you like him or hate him.

Klasikong halimbawa rin ng one step backward..two steps forward at sulong na King’s gambit sa larangan ng ahedres.

Caught flatfooted ang nasa oposisyon na di malaman kung matutuwa dahil umiistrayk si Pangulo sa akala’y kakampi at mistulang iniaangat ang kanyang tunay na manok o tatangis dahil wala na ang atensiyon ng bayan sa mga pinklawan na umaasa na lang sa peyknyus ng kakampi nilang meynstrim media at iba pang kalaban habang lalo namang lumalakas ang animo’y inaapi at nasa isang tabi naman ang darkhorse na nasa panig ng administrasyon na umaantabay lang sa susunod na galawan ng kanyang longtime pakner thru thick and thin.

Wala na tuloy maitarget na palaso ang mga magugulang na kalaban sa nangungunang presidentiable at vice presidentiable dahil pinawalan na ni Digong ang lahat ng sibat kaya tameme na lang ang mga switik at patuloy na nag-iisip ng panibagong gameplan pero ngayon pa.lang ay ubos na ang kanilang pamulbos na pulburang suyut na ang tunog at di na marinig ng mayoryang kasado na kung sino ang ibabalik sa Malacañan habang sila ay pinupulot sa kangkungan…



ABANGAN!

Lowcut: Bon voyage kay Bb.Janet Bacani.All the best! Shoutout kay seaman Marc Salazar na sasakay muli after his fruitful and meaningful staycation sa kanyang balwarte sa San Jose City Mindoro Occidental. Good luck Macmac!